Bilang mga epidemiologist at mga siyentipiko sa nakakahawang sakit para sa pangkalusugan ng publiko mayroon kaming matinding pag-aalala tungkol sa nakakapinsalang mga epekto sa pisikal at mental na kalusugan ng umiiral na mga patakaran ng COVID-19, at inirerekumenda ang isang diskarte na tinawag naming Focused Protection.
Galing pareho sa kaliwa at kanan, at sa buong mundo, inilaan namin ang aming mga karera sa pagprotekta sa mga tao. Ang kasalukuyang mga patakaran sa lockdown ay gumagawa ng mga nakakasirang epekto sa maikli at pangmatagalang kalusugan ng publiko. Ang mga resulta (upang pangalanan ang ilan) ay kasama ang mas mababang rate ng pagbabakuna sa bata, lumalalang kinalabasan ng sakit na cardiovascular, mas kaunting pag-screen ng cancer at lumalalang kalusugan ng isip – na humahantong sa higit na labis na dami ng namamatay sa mga darating na taon, kasama ang working class at mga nakababatang miyembro ng lipunan na siyang nagdadala ng pinakamabigat na pasanin. Ang pagpigil sa mga mag-aaral na wala sa paaralan ay isang matinding kawalan ng katarungan.
Ang pagpapanatili ng mga hakbang na ito hanggang sa magkaroon ng bakuna ay magdudulot ng hindi maibabalik na pinsala, na kung saan ang mga mahihirap ang labis-labis na masasaktan.
Sa kabutihang palad, lumalaki ang aming kaalaman tungkol sa virus. Alam namin na ang kahinaan na iyon para ikakamatay mula sa COVID-19 ay higit sa isang libong beses na mas mataas sa matanda at mahihina kaysa sa mga bata. Sa katunayan, para sa mga bata, ang COVID-19 ay hindi gaanong mapanganib kaysa sa maraming iba pang mga pinsala, kabilang ang trangkaso.
Habang binubuo ang kaligtasan sa sakit sa populasyon, ang panganib ng impeksyon sa lahat – kasama na ang mahhiina – ay lumiliit. Alam namin na ang lahat ng populasyon sa huli ay makakakuha na ng herd immunity – i.e., ang punto kung saan ang rate ng mga bagong impeksyon ay tumatatag – at maaari itong tulungan ng (ngunit hindi nakasalalay sa) isang bakuna. Samakatuwid ang aming hangarin ay dapat na i-minimize ang dami ng namamatay at pinsala sa lipunan hanggang sa maabot natin ang herd immunity.
Ang pinaka-mahabagin na diskarte na nagbabalanse ng mga panganib at benepisyo ng pag-abot sa herd immunity, ay payagang mabuhay nang normal ang kanilang buhay ang mga nasa minimal na peligro ng kamatayan upang mabuo ang kaligtasan sa sakit sa pamamagitan ng natural na impeksyon, samantalang proprotektahan ng mas mahusay ang mga nasa pinakamataas na peligro. Tinatawag namin itong Focused Protection.
Ang pag-adopt ng mga hakbang upang maprotektahan ang mahihina ang siyang dapat na sentrong hangarin ng pampublikong kalusugan bilang tugon sa COVID-19. Sa pamamagitan ng halimbawa, ang mga nursing home ay dapat gumamit ng mga kawani na may nakuha nang kaligtasan sa sakit at magsagawa ng madalas na testing ng iba pang mga kawani at lahat ng mga bisita. Ang rotation ng mga tauhan ay dapat na mabawasan. Ang mga retiradong tao na nakatira sa bahay ay dapat magkaroon ng mga groseri at iba pang mga mahahalagang bagay na naihatid sa kanilang bahay. Hangga’t maaari, dapat sa labas lang ng bahay sila nakikipagtagpo sa mga miyembro ng kani-kanilang pamilya. Ang isang komprehensibo at detalyadong listahan ng mga hakbang, kabilang ang mga diskarte sa mga multi-henerasyong sambahayan, ay maaaring ipatupad, at mas mabuti kung ito’y sa loob ng saklaw at kakayahan ng mga propesyonal sa pampublikong kalusugan.
Ang mga hindi madaling mahawa dapat agad na payagan na ipagpatuloy ang kani-kanilang normal na buhay. Mga simpleng hakbang sa kalinisan, tulad ng paghuhugas ng kamay at pananatili sa bahay kung may sakit ay dapat isagawa ng lahat upang mabawasan ang threshold ng herd immunity. Ang mga paaralan at unibersidad ay dapat na bukas para sa personal na pagtuturo. Ang mga ekstrakurikular na aktibidad, tulad ng palakasan, ay dapat na ipagpatuloy. Ang mga young adults na may mababang panganib na mahawa ay dapat na magtrabaho nang normal, kaysa sa bahay lang nakatrabaho. Dapat buksan ang mga restawran at iba pang negosyo. Dapat ipagpatuloy ang mga sining, musika, isport at iba pang mga aktibidad sa kultura. Ang mga taong mas nanganganib ay maaaring lumahok kung nais nila, habang ang lipunan sa kabuuan ay tinatamasa ang proteksyon na ipinagkaloob sa mga mahihina sa pamamagitan ng mga taong pinalakas ang herd immunity.
On October 4, 2020, this declaration was authored and signed in Great Barrington, United States, by:
Dr. Martin Kulldorff, professor of medicine at Harvard University, a biostatistician, and epidemiologist with expertise in detecting and monitoring of infectious disease outbreaks and vaccine safety evaluations.
Dr. Sunetra Gupta, professor at Oxford University, an epidemiologist with expertise in immunology, vaccine development, and mathematical modeling of infectious diseases.
Dr. Jay Bhattacharya, professor at Stanford University Medical School, a physician, epidemiologist, health economist, and public health policy expert focusing on infectious diseases and vulnerable populations.
Translation by Vanessa Rimari